Archive for August, 2017


To My Dear Husband ♥

Dahil mahal ang ticket ni Bruno Mars at di ako maka connect sa wordpress blog site,I will just share it here:

He’s an amazing man. He can work under pressure. He’s a fast learner and team player. He’s my husband.

21032868_1707961352831956_5458010535712043041_n

Weve been together for 13 years and I know this man so well. I’m glad that I got married to an amazing person like him. I can still remember how we started. Parehas kami naging crew sa isang fastfood chain at the age of 17 (different companies) Hindi siya mayaman, pero masipag at madiskarte.He’s so proud pa nga na ako ang nanlilibre sa kanya pag may date kami before kasi wala talaga syang pera. Oh well, I had no choice e, besides ayaw ko din naman magutom sa mga date namin Lol. Kidding aside, this man who I love so dearly worked hard para maging kung sino man sya ngayon. He dont know how how to use a computer, save a file or even search in google but He was able to work for several companies, and as of the moment, working with one of the best companies in Manila with excellent records.

Few months back (until now actually), were struggling with a lot of factors. Money, Issues with helpers etc etc. I can say that I saw a different Jayson for the past few months. He was motivated and determined to succeed in everything that he aspires but he looked tired. I was able to go back to work, paid some of our debts. Akala ko makikitaan ko na sya ng spark sa mga mata nya. I cheered him up, wala lang chance to offer Rest and Relaxation package dahil gipit kami but I always make sure na I make him feel na I got his back. Yung Jay na matapang at matatag, napapagod din pala. The husband who I thought got the best of both worlds, has a lot of struggles din pala na bihira kong maramdaman while Im out of the office (On Maternity Leave)

Siya lagi ang positive saming dalawa. He always look on the brighter side ng stories. Little that I know, Pagod na pala siya sa maraming bagay. I know, from the bottom of my heart, na malalagpasan nya tong pinagdadaanan nya. He’s a team player nga diba?

Why Am I sharing this? One is to remind my friends out there to always talk to your partners. Communication is the key. Madalas ang mga lalake, tatawa lang yan pero daramdamin nila ang mga problema. Di lang papahalata yan para di na makadagdag sa stress ni misis pero deep inside, mabigat din ang loob nila.

Pangalawa, tayong mga misis, should be a good listener. Satin lang naman maglalabas ng sama ng loob nga partners natin. Lets make them feel that they got a bestfriend/wife na makakatulong niya.

3rd, dont make them feel down (financially speaking) Remember na di laging pasko. May mga times talaga na kailangan pagkasyahin ang kumot at mamaluktot.

4th, When he’s feeling blue, Always remind him na ang dami nyang positive na nagawa at magagawa pa.

5th, I want the world to know, the universe rather, na marunong din mapagod ang mga mababait at masisipag na taong kagaya ng asawa ko.Haligi sila ng tahanan, pero tao lang din sila. May emosyon.

To my dear husband,

Im not a perfect wife but I assure you na kadamay mo ko sa lahat. Were Bonnie and Clyde remember?

Kaya natin to. Kapit lang. Tiwala lang sa kung ano ang kaya mo at capacity mo. We got your back Tay.

P.S. Tumatanggap na po kami ng Sponsorship sa Parelax package ni Jay Haha (Spa and Massage will do Charot)

 

 

Advertisements

Priceless Crown ♥

Her name is Atarah Antonia – “Atarah”is a biblical word which means “Crown” while “Antonia” was derived from her Lola Tonet’s name “Antonieta” or “Priceless”

March 27, 2017, 10:25AM
6Hours of Labor, Normal Spontaneous Delivery

St Martin De Porres Charity Hospital, San Juan City

a1

It was exactly 3:30 AM when my water broke. Saktong 37 Weeks ni Atarah. I can still remember how Excited we were when we found out that were having a baby girl ! It was a roller coaster of emotions at pagod a week before ko siya nilabas. Her Kuya Dylan and Yuri were both sick. Yuri was even admitted a week before sya pinanganak so I’m stressed out and tired. I was afraid na baka di umabot ng 37 weeks since I’m having contractions already at 35 weeks. Iba talaga nagagawa ng stress sa pregnancy.

We arrived in  St. Martin de Porres Charity Hospital by 4am. Dasal ako ng dasal na sana maayos sila magpa anak.(1st time manganak sa St martin) I have a lot of friends na dito nanganganak, they said na OK dito at mura pa. The doctors/OB are all nice. Medyo magkaka Language barrier lang since most of them are chinese/korean OB/Practitioners. Mahigpit din sila when it comes to check up schedules so you really need to be there if they indicate a date ng check up mo. Well, I can say na ok ang mga facilities nila sa labor room and Operating Room. It was clean and relaxing.

Ako lang magisa sa labor room so I feel relieved na kahit sumigaw ako e walang magagalit sakin. The labor, as usual, was never easy (Saludo sa mga Ina!) Ito na yata ang pinakamasakit out of my 3 pregnancies cause I was induced dahil pumutok na panubigan ko. It was really painful na gusto ko na magpa biyak (Cesarean) sa sobrang sakit. I was in so much pain (5cm and Up) from 8am-10:25am. Ito na rin ang pinaka masakit na panganganak ko. Walang epidural unlike sa panganganak ko kay Dylan and Yuri. Naramdaman ko talaga kung pano lumabas ang ulo nya at balikat, ganun ka intense! The stitches and bloody mary after? Sobrang sakit.

But when I saw her, parang wala lang yung mga naramdaman ko. Iba yung kabog ng dibdib ko. Ang saya saya ko. Finally may madadamitan na ko at may mag OOTD na na princesa sa bahay.

a5

Our Princess ♥

a7

Hi Baby 🙂

a4

May Dimples ♥

 

2 days din ako nagstay sa hospital. Here’s the breakdown ng Bills:

6k – for meds (amount of cash na available dapat pag pasok pa lang ng ospital, the nurse and staff will ask you to buy things needed para sa procedures so you really need to have cash on hand)

6k – Total expenses for the room (2days) and other labs etc , Bawas na ang philhealth dyan.

7k – For Atarah, naiwan sya ng 1 week due to high level of bilirubin so need i photo therapy. Bawas na din ang Philhealth Dyan.

Total of 19k for a normal procedure + 1 week hospitalization ng infant is not bad. Mura na sya compare sa ibang hospital.

a10

Yellow Baby

a9

At the nursery, visiting my Atarah na naka nursery and photo therapy session for 1 week

a8

At the ER

 

 

a2

My Magagandang Bisita ♥

Every Pregnancy has different stories but all of them are fairy tales to me ♥

Misis Mommy Maghapon

Thoughts and tales in life of a typical Pinay homemaker slash stay-at-home-mom

Microgalactic

Food, Travel and Photography Blog

ice cream magazine

................... for lovers of ice cream. Your free on line magazine for sweet frozen treats. Recipes, inspiration, artisanal ideas for your delectation.

Cooking Without Limits

Food Photography & Recipes

The Great Escape

Rediscovering life in Palawan Philippines

My Kind Of Perfect

Good things come to those who wait

PCGS Research 101 Class

{Research Made Easy and Simple} :)

Your Well Wisher Program

Attempt to solve commonly known problems…

The Adventures of Bogzy

You only live once, Live your life to the FULLEST!

I Am Wandering Aimlessly

The greatest WordPress.com site in all the land!

artgland

the secretion of art by Rhian Ferrer

My Wandering, Unsettled Life

A great WordPress.com site

The Bella Travelista

Sharing with you my fab and convenient travel escapades.

Fujinsei

Embrace Your Inner Otaku

%d bloggers like this: