Tag Archive: Maring


Hay Buhay! (Photo created from Meme Generator)

Sa 8 Taon na pagsasabi ko ng opening at closing spiel, pag hit ng metrics para sumaya ang cliente, at sa paguwi ko ng umaga na kasing laki na ng maleta ang eyebags ay di ko pa naranasan na makita sa TV ang katagang WALANG PASOK ang mga taga call center. Di ko alam kung san nila nakuha ang idea na wag isama ang call center employees sa mga dapat isuspinde ang mga shift sa panahong wala ka ng masakyan dahil sa baha at kahit kasing haba na ng edsa ang pila ng taong stranded.

Habagat 2013. Puyat.Naulanan.Nakisampa sa Truck para makauwi.

Ending: LAGNAT

Hindi biro ang magtrabaho sa ganitong industriya. Sa dami ng sakit na pwede mong makuha sa di normal na pagtulog, sa pagpapa aircon ng opisina na kala nila ay ice cream ang empleyado, at sa pagiging prone mo sa holdapan sa disoras ng gabi, ay dadagdag pa ang pagsuong mo sa baha at pakikipag bunong braso sa lakas ng hangin tuwing may bagyo. Idagdag mo pa ang kailangang pagnotify mo sa supervisor mo kung di mo na talaga kayang languyin ang baha. Dapat ay CALL at hindi TEXT. So kahit walang tindahan na bukas pra magbenta ng load, kailangan pa rin ng CALL IN SICK na method. Di man lahat ng companya, pero sa 8 taon ko, 75% ang may ganitong kalakaran.

Natanong ko dati ang isa saking mentor kung bakit ganito, sabi nya, may bagyo o wala, meron daw kasing forecasted na number or percentage ng SLA (Service Level Agreement), at forecasted na number ng benta (para sa sales) ang mga cliente. Wala sa contrata ang “act of nature” . Di na ko nakipagtalo dahil iba ang perspective nila sa perspective ng isang hamak na ahenteng tulad ko. Naisip ko na lang na di ba nila pwedeng i forecast din ang bilang ng agente na pwedeng magkasakit, pwedeng tangayin ng baha, o pwedeng maglakad ng ilang milya pag tinugunan pa rin ang forecasted number ng cliente na sinasabi nila.

May mga ibang companya na kahit papano ay may pakisama sa mga sumuong sa mapanganib na bagyo. May ilan na may shuttle service, libreng pagkain at premium pay up to 100% ng daily rate ng agente. Well DAPAT LANG. Wala rin naman sa contrata ng mga call center agent na magbuwis ng buhay para lang mameet ang target na gusto ng cliente.

Papizza kapalit ng paglangoy sa baha!

Saludo ako sa mga kapatid ko sa industriya na sinusuong ang bagyo dahil mahal ang trabaho. Saludo ako sa ngiti ng mga agente na pagdating sa office ay pagtatawanan lang ang basang sapatos at nang gigitatang basang jacket dahil nilipad ang payong ng malakas na hangin ng bagyo.

Isa sa mga dahilan kung bakit naging tourist spot ng mga banyaga ang pilipinas bilang isang offshore company ay dahil sa ugali naten na pagiging masipag at commited sa trabaho. Kaya kahit papano ay may pagintindi sa puso ko kung bakit di magawa ng companya ang mag announce na walang pasok tuwing may bagyo. Yun tayo e. Pilipino. May pagmamahal sa trabaho at pag galang sa nakatataas.

Di Biro magtrabaho sa call center.Buti na lang PILIPINO tayo.

Hay Buhay! (Photo created from Meme Generator)

Advertisements

Annually almost 20 na bagyo ang dumadaan sa Pinas. Kung ano anong pangalan, Iba iba ang impact. Ang masama nito, pag yung bagyo e manghatak pa ng kanyang BFF na Habagat.

Same month last year (August) nung first time namen maramdaman ang bangis ng Habagat. As per the “most reliable” PAGASA, Basang Klima daw ito na nabubuo sa mga buwan ng July at August. Maari tong manggaling sa ibat ibang direction. So pag may pumasok na Bagyo sa mga month na may namuong habagat, automatic BFF sila at sabay silang rarampa sa Pinas.

Gradeschool ko unang narinig ang salitang Habagat. Habagat is the God ng hanging nagmumula sa Dagat and counterpart ng Diyos ng hangin na nagmumula sa Bundok na si Amihan.

August 19-22 2013 muling naramdaman si Habagat. Dala ng Bagyong Maring, ang daming nawalan ng kuryente, flash flood, landslide,binaha, na stranded at may mga nawalan pa ng mahal sa buhay.

As per ABS-CBN News , 15 died and 4 are still missing . Nsa state of Calamity pa rin ang mga lugar ng bataan, cavite,laguna at ilang part ng manila like malabon and marikina.

We live besides San Juan River. Kaya pag sinabing may Bagyo o Habagat, traumatic experiences kagad ang maaalala namen. Almost 8 ft ang taas ng baha sa Sta Mesa last year (August 2012) . Inabot na ang 2nd floor ng bahay namen. This year is different. Thanks to the Manila City Council and Mayor Lim dahil napagawa nya ang drainage system October of last year. Napa taasan din ang street namen kaya di kami masyado binaha. Umapaw na ang ilog ng san juan at nagpakawala ng tubig sa dam before kami bahain sa loob ng bahay , unlike before na continuos na malakas na ulan lang e magbabaha na kagad sa loob ng bahay.

I want to share this photos taken on our way pauwi ng bahay from office. Flooded streets of Kalentong, VMAPA, and Shaw Blvd. Waterproof, Life Proof, Lagnat Proof kasi kaming nagtratrabaho sa callcenter. Kaya masakit man isulat na “on our way home from work” itatawa ko na lang.

Tenen! Eksena pagdating namen sa Kalentong!

Tenen! Eksena pagdating namen sa Kalentong!

Tara Breakfast tayo sa chowking!

Tara Breakfast tayo sa chowking!

P30 per tao kada tawid! Pinoy nga naman, maparaan!

P30 per tao kada tawid! Pinoy nga naman, maparaan!

Kalentong!

Kalentong!

Stranded sa Kalentong and Bridge after ng Lourdes Hospital

Stranded sa Kalentong and Bridge after ng Lourdes Hospital

Thankful ako at may nagpa angkas samin na 10 wheeler na truck na papuntang Manila. Nakatawid at nakarating kami sa bahay na safe.

Thanks Kuya Dum Truck Driver!

Thanks Kuya Dum Truck Driver!

Ganito ang tamang pagsampa Miss!

Ganito ang tamang pagsampa Miss!

Basang Sisiw ang Peg! Through thick and thin tay!

Basang Sisiw ang Peg! Through thick and thin tay!

Ms Akyat Dump Truck!

Ms Akyat Dump Truck!

Hello Guadalcanal Resort!

Hello Guadalcanal Resort!

Brgy 597 Zone 59 Guadalcanal St Sta Mesa Manila

Brgy 597 Zone 59 Guadalcanal St Sta Mesa Manila

May Hito pa sa loob ng bahay! Fresh from San Juan River!

May Hito pa sa loob ng bahay! Fresh from San Juan River!

Sa awa ng diyos, naitaas sa 2nd floor ang mga gamit namen, wala namang mga nasirang appliances. Safe ang lahat pati mga alagang pusa ko.

Scared Baby Lovi!

Scared Baby Lovi!

Hay Habagat at Maring. Wag naman sanang gawing habit ang mamerwisyo kada buwan ng augusto.

Blog at WordPress.com.
[ Back to top ]
Misis Mommy Maghapon

Thoughts and tales in life of a typical Pinay homemaker slash stay-at-home-mom

Microgalactic

Food, Travel and Photography Blog

ice cream magazine

................... for lovers of ice cream. Your free on line magazine for sweet frozen treats. Recipes, inspiration, artisanal ideas for your delectation.

Cooking Without Limits

Food Photography & Recipes

The Great Escape

Rediscovering life in Palawan Philippines

My Kind of Perfect

Good things come to those who wait

PCGS Research 101 Class

{Research Made Easy and Simple} :)

Your Well Wisher Program

Attempt to solve commonly known problems…

The Adventures of Bogzy

You only live once, Live your life to the FULLEST!

I Am Wandering Aimlessly

The greatest WordPress.com site in all the land!

artgland

the secretion of art by Rhian Ferrer

My Wandering, Unsettled Life

A great WordPress.com site

The Bella Travelista

Sharing with you my fab and convenient travel escapades.

Fujinsei

Embrace Your Inner Otaku

%d bloggers like this: