Hay Buhay! (Photo created from Meme Generator)

Sa 8 Taon na pagsasabi ko ng opening at closing spiel, pag hit ng metrics para sumaya ang cliente, at sa paguwi ko ng umaga na kasing laki na ng maleta ang eyebags ay di ko pa naranasan na makita sa TV ang katagang WALANG PASOK ang mga taga call center. Di ko alam kung san nila nakuha ang idea na wag isama ang call center employees sa mga dapat isuspinde ang mga shift sa panahong wala ka ng masakyan dahil sa baha at kahit kasing haba na ng edsa ang pila ng taong stranded.

Habagat 2013. Puyat.Naulanan.Nakisampa sa Truck para makauwi.

Ending: LAGNAT

Hindi biro ang magtrabaho sa ganitong industriya. Sa dami ng sakit na pwede mong makuha sa di normal na pagtulog, sa pagpapa aircon ng opisina na kala nila ay ice cream ang empleyado, at sa pagiging prone mo sa holdapan sa disoras ng gabi, ay dadagdag pa ang pagsuong mo sa baha at pakikipag bunong braso sa lakas ng hangin tuwing may bagyo. Idagdag mo pa ang kailangang pagnotify mo sa supervisor mo kung di mo na talaga kayang languyin ang baha. Dapat ay CALL at hindi TEXT. So kahit walang tindahan na bukas pra magbenta ng load, kailangan pa rin ng CALL IN SICK na method. Di man lahat ng companya, pero sa 8 taon ko, 75% ang may ganitong kalakaran.

Natanong ko dati ang isa saking mentor kung bakit ganito, sabi nya, may bagyo o wala, meron daw kasing forecasted na number or percentage ng SLA (Service Level Agreement), at forecasted na number ng benta (para sa sales) ang mga cliente. Wala sa contrata ang “act of nature” . Di na ko nakipagtalo dahil iba ang perspective nila sa perspective ng isang hamak na ahenteng tulad ko. Naisip ko na lang na di ba nila pwedeng i forecast din ang bilang ng agente na pwedeng magkasakit, pwedeng tangayin ng baha, o pwedeng maglakad ng ilang milya pag tinugunan pa rin ang forecasted number ng cliente na sinasabi nila.

May mga ibang companya na kahit papano ay may pakisama sa mga sumuong sa mapanganib na bagyo. May ilan na may shuttle service, libreng pagkain at premium pay up to 100% ng daily rate ng agente. Well DAPAT LANG. Wala rin naman sa contrata ng mga call center agent na magbuwis ng buhay para lang mameet ang target na gusto ng cliente.

Papizza kapalit ng paglangoy sa baha!

Saludo ako sa mga kapatid ko sa industriya na sinusuong ang bagyo dahil mahal ang trabaho. Saludo ako sa ngiti ng mga agente na pagdating sa office ay pagtatawanan lang ang basang sapatos at nang gigitatang basang jacket dahil nilipad ang payong ng malakas na hangin ng bagyo.

Isa sa mga dahilan kung bakit naging tourist spot ng mga banyaga ang pilipinas bilang isang offshore company ay dahil sa ugali naten na pagiging masipag at commited sa trabaho. Kaya kahit papano ay may pagintindi sa puso ko kung bakit di magawa ng companya ang mag announce na walang pasok tuwing may bagyo. Yun tayo e. Pilipino. May pagmamahal sa trabaho at pag galang sa nakatataas.

Di Biro magtrabaho sa call center.Buti na lang PILIPINO tayo.

Hay Buhay! (Photo created from Meme Generator)

Advertisements